PEKENG BALITA, MALING AKALA
Napapanahon sa ating bansa ang pagkalat ng mga pekeng balita. Karamihan dito ay nanggagaling sa artificial intelligence (AI) dahil nagiging makatotohanan na ito sa tulong ng teknolohiya.
Isa sa mga pinagkukunan natin ng mga balita ay ang sosyal medya, ngunit may kalakip itong panganib dahil sa likod nito ay mga pekeng balita na kumakalat dito. Mahirap na itong i-tukuyin kung ito ba ay totoo o maling impormasyon dahil mas naging kapa-kapaniwala na ito sa tulong ng AI.
Tatlo sa limang gumagamit ng sosyal medya ay nalilito na rin sa mga impormasyon na kanilang natatanggap na kung ito ba ay kapanipaniwala o hindi, marami na ang naloloko dahil sa AI bagkos kayang-kaya nitong lituhin ang mga kaisipan ng mga gumagamit nito.
Mahalagang tandan na ang pagiging mapanuri sa mga bawat balita o impormasyon na ating nakakalap ay daan sa pagiging matalino sa lahat ng bagay dahil hindi ka kaya nitong lokohin sa ano mang paraan at sa mga pasikot-sikot na mga impormasyon sa sosyal medya.
korAKSYON: Aksyon sa Korapsyon
Korapsyon, ito ay isa sa malalaking problema ng bansang Pilipinas na nagpapahirap sa mga Pilipinong nais makaahon sa kahirapan ngunit mismong mga leder ng bansa ang nangunguna sa korapsyon.
Bilang karagdagan, ang mga politiko na dapat ginagawa nila ang kanilang trabaho at gampanan ito ng maayos ay sila pa mismo ang nagiging taliwas at gumagawa ng hindi maganda. Dahil sa kasilawan nila sa pera unti-unting nilang kinukurakot ang pera ng bansa na para dapat sa mga mamamayang Pilipino.
“I-KULONG NAYAN MGA KURAKOT” ‘yan ang sigaw ng mga daan-daang Pilipino na pumo-protesta laban sa mga politikong ninanakaw ang kaban ng bayan. Halos lahat ng mga naki-isa sa protesta ay ang tanging hiling ng mga ito ay dapat may managot at makulong dahil hindi lamang bansa ang kanilang ninanakawan pati na rin ang taong bayan.
Maraming politiko ang tinatawag nila na “buwaya” dahil sa katawan nila sa pera ito ay napupunta sa pansariling interes lamang na para dapat sa ikakabuti ng bansa at mamamayan. Malinaw na marami ng napapako na pangako ang mga politikong ito na dapat ay makikita natin kapag sila na mismo ang naka-upo sa pwesto na kanilang ipinaglalaban.
Dapat nating isaalang-alang ang kapakanan ng bansang Pilipinas. Bumoto ng tama at pag-isipan ng mabuti dahil ang totoong politiko ay may puso at paninindigan sa bansang kanyang pinanggalingan. Kaya sama-sama nating ipaglaban ang tama, huwag tayong mag bulag-bulagan sa mga nangyayari sa ating bansa dahil balang araw tayo rin ang makikinabang sa bansang ito dahil tayo ay Pilipino na hindi nagpapatalo.