
GINTONG KULAY NG TAGUMPAY
Ang gymnast ay isang laro kung saan ang manlalaro ay kailangan nang matinding pag-eensayo para magkaroon ng tamang balance. Ang Pilipinas ay mayroong manlalaro na si Carlos Edriel Yulo na nakatanggap ng gintong medalya.
Sa paglalaro ng gymnast nagkaroon ng titulo si Carlos Yulo sa Vault(2021) at Floor Exercise(2019). Nagkampeon din si Carlos Yulo sa World Artistic Gymnastic sa Jakarta, Indonesia noong Oktubre 20, 2025. Nagtamo ng 14.866 na puntos si Carlos Yulo at tinalo si Artur Davtyan at Nazar Chepurnyi.
Nagbigay karangalan sa Pilipinas ang pagkapanalo ni Carlos Yulo at naging inspirasyon din siya ng ibang manlalaro. Ang pagkapanalo ni Yulo ang nagbigay tagumpay sa kaniyang buhay.
Higit na nagpasalamat si Yulo sa Diyos at sa mga taong sumupurta sa kaniya at sa pagtulong na masungkit ang gintong medalya.
Sipag at tiyaga ni Yulo ang nagdala sa kaniya sa tagumpay at dahil sa galing niya higit pa siyang nakilala ng mga tao sa loob at labas ng bansa. Si Yulo ay isang natatanging manlalaro na nagniningning sa larangan ng gymnast.
Carlos Yulo, Dugong Pilipino
Ang larong
gymnast ay isang masining na laro na humuhubog sa pagkatao ng manlalaro. Ang
Pilipinas ay mayroong manlalaro ng gymnast na si Carlos Edriel Yulo. Naging
tanyag ang kaniyang pangalan sa Pilipinas sa larangan ng gymnast.
Dahil sa mga
gintong medalya na inuwi ni Carlos Yulo sa Pilipinas, naging matunog ang
pangalan niya sa iba’t- ibang panig ng bansa lalo na sa Pilipinas. Si Yulo ay
nakakuha rin ng titulo at nasungkit ang bronze sa Men’s Floor Exercise. Dagdag
pa rito, nagawang patumbahin ni Yulo sina Artur Dautyan at Nazar Chepurnyi sa
World Artistic Gymnastic Championships. Higit na nagpasalamat si Yulo sa
suporta ng kapuwa Pilipino at sa pagtulong na maiuwi ang gintong medalya na
naging dahilan ng kaniyang pagiging makasaysayan.
Sa susunod na
laban, sana ay atin muling suportahan si Yulo upang muli niyang makuha ang
medalya. Sabay-sabay nating ipagmalaki ang isang Carlos Edriel Yulo na
nagsungkit sa gintong medalya at nagbida ng karangalan ng Pilipinas.