DepEd Secretary Sonny Angara nag-anunsyo ng pahinga para sa mga kaguruan
DepED Secretary Sonny Angara inanunsyo ang apat na araw na pahinga sa lahat ng guro sa pampublikong paaralan simula ika-27 hanggang ika-30 ng Oktubre.
Binigyan ng pahinga ang mga guro para magkaroon ng kaayusan matapos ang ilang bagyo, lindol, at sakit na tumama sa ibang parte ng Pilipinas. Ang idineklarang pahinga ay hindi lamang para sa mga guro, pati na rin sa mga estudyante.
Matinding pagod ang nararanasan ng mga guro at estudyante hindi lamang sa larangan ng pagututuro at pag-aaral pati na sa mga kanilang iba’t-ibang dapat gampanan sa buhay.
Ang layunin ng pahinga na ito ay ang mabawasan ang stress ng mga guro at upang magkaroon ng maayos na kalusugan. Nais din ng DepEd ang maayos na pagtuturo para sa mga estudyante at para maging handa ang mga guro sa susunod na taon.